Monday, July 16, 2007

LULAN NG BUS PAUWING IRIGA

Nababalutan ng manipis
na alikabok ang bintana,

iisa ang kulay nito
sa walang katapusang ambon,

sa mga patay na puno
na mga daliring

umaapuhap
ng makakapitan

mula sa nakatambak
sa kanilang itim na itim

na buhangin at bato;
sa bulkan na natatabingan

ang kalahati
ng abuhing ulap;

ang repleksyon nito
sa Ilog Yawa: isang lumang

larawang napunit
sa gitna.



SA BUS PAULING IRIGA

Napuputus sa manipis
na talbo su bintana,

uusad su kulor kadto
sadtu uda katapusang ragiri,

sadtu mga tigbak na kawuy
na mga guramuy

na nag-aanap
sa mamakuputan

sadtu nakatambak kandang
malang iitum

na baybay ag bato;
kadtung bulkan

na natatahuban su kabanga
sa malumlum na panginurun;

su repleksyon kadi
sadtu Yawa: kabanga

ka lumang ritratong
narapak sa bitnga.
NASAAN NA ANG MGA KATAWAN?

Magpasahanggang ngayon ay may naghuhukay, hinuhukay
na mga natabunang ilog, kalsada, bahay; nahuhukay na mga basag
na pinggan, tsinelas, punit-punit na damit, gasera, libro,
ngunit wala ang mga katawan. Wala maging ang kanilang mga buto.
...............Nasaan na kaya sila
pagkatapos ng bagyo? Naroon kaya sila sa lunan
ng mga alamat? Kabilang na kaya sila roon katulad nila Tilmag,
Sarikaw, Daruanak, Kulakog, Magayon
na tumubo sa ating hinagap? Anong tumubo
kundi takot, pangungulila? Nasaan na kaya silang
patuloy na pinagbubuksan ng pintuan
sa panaginip? Silang natabunan habang pinagsasaluhan
ang malamig na gabi, isang latang sardinas,
mumunting panalangin. Silang itinulog ang takot
...............(gamot sa lahat ang tulog). Pitong buwan makaraan
ngunit patuloy na may naghuhukay,
may nahuhukay. Hindi na matitigil ang paghuhukay.
Bawat bungkal sa mga buhangin at batong mula sa bulkan ay mga katawan
ng isang alaala, na ito, halimbawa, ay bata, isang matanda,
dalaga; na sa mga graba ay halakhak,
sa mga tumutubong damo ay pag-ibig.



ISARI NA SU MGA AWAK?

Anggan nguwan agko nagpaparakalut, nakakalut
na mga natawban na salug, liliagyan, baluy; nakakalut na mga pusang
pinggan, tsinelas, rapak-rapak na badu, gasera, libro,
pero uda su mga awak. Uda pati su mga tulang.
...............Isari na kaya sira
pagkatapos ku bagyo? Isadto kaya sira lugar
sa mga alamat? Kaiba na kaya sira sadto arog nita Tilmag,
Sarikaw, Daruanak, Kulakog, Magayon
na tin’nubo sa kanatong pagkasabot. Uno a tin’nubo
kundi takot, pag-ilduw? Isari na kaya sirang
padagos na pinagbubuksan sa pirtan
sa pangiturugan? Sirang natawban habang nagsasama’
ku agnuw ku gab’i, usad na latang sardinas,
atlukut na mga pangadyi. Sirang itinurug su takrub
...............(bulong a turug sa ngamin). Pitong bulan nang nakaagi
pero padagos na agko nagkakalut,
agko nakakalut. Diri na mapupundo an ang pagkalut.
Bawat pag-ukay sa mga basud ag batong galin sa bulkan agko awak
ka usad na pagrumrum, na adi a, halimbawa, igin, gurang,
raraga; na sa mga graba i pagtawa,
sa mga nagtutubong duut i pagyaba.

Tuesday, June 5, 2007

TAKDA

Inilapat ko muli ang aking tainga
sa kaniyang bibig: Sashfbacnfdejsw.

Teysjfnsjdngsosaepwoopdfpd.

Poedreotkfs.

Hoofp.

Tumango-tango ako at sa pagkakataong ito,
hinawakan ko na ang kaniyang kamay.

Kauulan lang kanina. Batid ko.
Basa ang tinig ng uwak
na pumatlang sa kalawakan.

Tuesday, May 29, 2007

SUMAGANG

Tumama ang silahis ng araw sa bundok:
45o sa kanluran. Bumungad

ang wari’y umiilaw na kalansay
ng mga puno: tanging anino ang nakikita

namin sa malayo, ikinukubli nito
kung ano ang wala na roon, ang abo

ng minsang naroroon. Sabi
ng mga matatanda, sinalungga

ng Birheng Maria ang mga apoy
sa bibig ng bundok nang minsan

itong maghimutok. Nakaligtas
ang maraming nayon sa paanan

ng bundok. Sabi ng isang matanda,
wala na ang Birheng Maria

sa bundok ng Iriga. Nilimas
ni Reming ang lahat ng bahay, sabi

parang may baong lagari, piko
at maso, walang iniwang nakatayo. Sabi

ko: Ganito tayo inibig ng kalikasan… Lasog-
lasog ang aking hininga, buhol-

buhol ang aking dila bago ako
magsalita, napakalamig

ng lupang nakalapat, gumugulong
sa ilalim ng aking mga paa—

Monday, May 28, 2007

ANG KAMATAYAN

Dinalaw ako nito minsan
sa anyo ng matandang babae,

kibit ang isang bag, marahan itong ibinaba.
Ipinatong ang bandanang maingat na nakatiklop

sa mesa dangan hinila ang tumba-tumba
papunta sa may bintana na nakaharap sa hardin.

Plastado ang kaniyang tingin sa mga bulaklak,
sa madidilaw at malalamig na kabahayan,

sa araw na nilalamon ng orisonte;
wari’y nakangiti, wari’y hindi.
DINADALAW AKO NG GANITONG PANGITAIN

Dinadalaw ako ng ganitong pangitain:
Mga uwak na bumubulwak mula sa bibig
ng kampanaryo, bukang-liwayway, sigurado ako,
ngunit hindi ko batid kung paano ito nagsisimula,
basta, ang tangi kong natatandaan
ay ang paglikha nito ng saglit na kadiliman,
at katahimikan, malinaw na malinaw.
Tanging iyon lamang. At kung minsan,
ay sinusundan ito ng panaginip ng isang anino
na namumuo sa aking ulo, yumayapos sa aking balikat,
humahalik sa balat, wari’y pinakikinggan ang tibok
ng aking puso, ng aking sentido. Minsan,
pakiramdam ko ay nabubuhay sila sa labas
ng aking pagkatao. Sinasabayan ako
sa paliligo, sa sasakyan, sa trabaho. At tuwing gabi,
nararamdaman kong lumalabas ang mga uwak
sa aking ulo, patungo kung saan?—hindi ko alam—
at ang anino, sa tuwing nahuhugpong ang aming katawan
ay may kung anong hiwagang namumuo sa aking silid,
sumisikip na parnaso itong aking dibdib.

Thursday, May 24, 2007

SA DARUANAK

Tumatagas na dugo
ang mga dahon

ng talisay sa putim-
puting patay na bahura.

Nakaturo ang mga kogon
sa malalayong isla

at walang patumangga
ang mga bato sa pag-abang

sa pagsulnop ng saldang,
sa pagguhit ng kati

sa dalampasigan, wari'y matandang
nag-aabang ng kamatayan.

Sa kilapsaw nabuo
ang mukha ng isang bata,

sinasalamin na kristal
ng pupila ng tubig

ang kaniyang mata
na maghapong nakalutang

sa orisonte. Humigab muna siya
bago tumalon sa tubig,

wari'y walang katapusan,
walang hanggan.